NAGA CITY- Naging emosyonal ang pagdating ng labi ng ng nasawing Co-Pilot ng Huey Helicopter ng Phil. Airforce sa Barangay Dayangdang Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa pinsan ng biktima na si Kapitan Julius Sanchez ng nasabing lugar sinabi nito na labis umano ang pagdalamhati ng kanilang pamilya sa sinapit ni Capt Feorelio Bernardo.
Ayon kay Sanchez, si Capt. Bernardo lamang umano ang nag-iisang miembro ng kanilang pamilya ang pumasok bilang isang Phil. Airforce sa edad na 32-anyos.
Dagdag pa ni Sanchez , kahapon ng una na nilang malaman ang nasabing insidente, ngunit umasa parin umano ang mga ito na ligtas si Capt. Bernardo.
Ngunit ng mismong araw rin ng ibalita ng opisyal ng Phil Airforce na kasama si Capt. Bernardo sa mga namatay sa nangyaring insidente sa Cauayan City.
Samantala naiwan naman ni Capt. Bernardo ang kanyang asawa at isang pitong taong gulang na anak.