NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang pasahero ng Silver Star Bus sa parte ng Brgy. Bagacay Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Marilou Reataza, 45 anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSsg. Emyrose Organis tagapagsalita ng Libmanan PNP, sinabi nitong base sa pahayag ng ina ng biktima na si Matilde Mabaya 69-anyos na residente ng Brgy. Delmar Mabini, Bohol, iuuwi sana si Reataza sa kanilang lugar dahil sa dinaramdam nitong sakit na mayoma.

Mula umano sa Maynila subalit pagtigil ng bus sa isang kainan sa Libmanan, nang mapansin ni Mabaya na patay na ang kanyang anak.

Kaugnay nito, agad namang inireport ng mga ito sa otoridad ang nasabing pangyayari.Top