Balik-Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang apat na araw nitong state visit sa Japan.

Dakong alas-6:19 ng gabi nitong Biyernes nang dumating sa bansa ang delegasyon ng Pangulo kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, naging makahulugan ang kanyang pagbisita sa Japan dahil kasabay ito ng paggunita sa ika-70 anibersaryo ng normalization of diplomatic relations ng Pilipinas at Japan.

Inilarawan din ng Pangulo bilang malaking karangalan ang pakikipagkita kina Japanese Emperor Naruhito at Empress Masako sa Imperial Palace sa Tokyo.

Advertisement

Ipinagmalaki rin ni Marcos ang naging mabungang pulong nila ni Japanese Prime Minister Takachi Sanae kaugnay ng pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.

Bukod dito, sinabi ng Pangulo na nagpahayag ng suporta ang Japan sa kandidatura ng Pilipinas para sa United Nations Security Council.

Nakipagpulong din si Marcos sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Japan bilang bahagi ng kanyang state visit.

Advertisement