Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kanyang ide-declare bilang urgent ang panukalang batas na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan na pansamantalang suspindihin o bawasan ang excise tax sa langis, matapos aprubahan ng House ways and means committee ang substitute bill.

Ayon kay Pres. Marcos, hihintayin muna niyang makumpleto ang committee reports bago ideklara itong urgent upang mapabilis ang plenary debates sa Kongreso.

Pinapayagan ng panukalang batas ang Pangulo na bawasan o suspindihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa loob ng anim na buwan, kung ang average Dubai crude oil price ay lalampas sa US$ 80 kada bariles sa nakaraang isang buwan bago ang suspensyon o pagbabawas ng buwis.

Samantala, magdaraos ng hearing ang Senate committees on ways and means at energy sa Marso 11 upang talakayin ang limang panukalang batas na may parehong layunin.

Advertisement

Sinabi naman ni Department of Energy Secretary Sharon Garin na ang dalawang buwang suspensyon ng excise tax ay maaaring magpababa ng presyo ng diesel ng hanggang P6 kada litro.

Advertisement