Screenshot

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa Tacloban City ngayong Huwebes, Abril 30 bilang bahagi ng programang “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang.”

Sa kanyang pagbisita, nakipag-ugnayan ang Pangulo sa mga Presidential Scholars sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) at pinangunahan din ang rollout ng Bagong Pilipinas Rice Program sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF).

Nagkaloob din si Marcos ng tulong pinansyal sa mga barangay sa buong Region VIII, bilang bahagi ng layuning palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, inilunsad ang programang “Bawat Barangay Makikinabang” upang mabigyan ng tig-P200,000 ang bawat barangay sa bansa.

Advertisement

Ipinaliwanag niya na kalahati ng nasabing halaga ay ilalaan upang suportahan ang mga presidential scholars.

Layunin ng programa na mapalakas ang mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad, lalo na’t sila ang itinuturing na nasa unahan ng serbisyo publiko at may direktang ugnayan sa mga mamamayan.

Advertisement