Inaasahan ng mga nagtitinda ng bigas sa Naga City People’s Mall ang posibilidad ng pagtaas ng presyo dahil sa patuloy na kaguluhan sa Middle East.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Virgilio Morano, rice vendor sa People’s Mall, sinabi niyang nakakaranas na sila ng kakulangan sa supply ng ilang variety ng bigas. Dahil dito, hindi nila inaalis ang posibilidad na tumaas ang presyo kada kilo, depende sa klase at dami ng supply.
Ayon kay Morano, ang kaguluhan sa Middle East ay nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng langis, na nagiging pasanin sa transportation cost at unti-unting nakakaapekto sa pagdating ng supply. Kadalasan, ang kanilang paninda ay mula sa lokal na supplier, bagama’t may ilang imported na bigas na kulang ang dating.
Sa kasalukuyan, maayos pa naman ang bentahan, ngunit may ilang mamimili na nagsisimula nang magreklamo dahil sa pagtaas ng presyo.














