Binatikos ni House Senior Deputy Minority Leader at ML Party List Rep. Leila De Lima ang ipinakitang “pananahimik” ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng mga sexist at disrespectful na pahayag ng dalawang mambabatas na konektado sa impeachment complaint laban sa Bise Presidente.

Sa kanyang privilege speech sa plenaryo ng House of Representatives noong Lunes, sinabi ni De Lima na ang hindi pagsasalita ni VP Sara sa isyu ay “epektibong nagreresulta sa kawalang-galang sa kababaihan.”

Tinukoy niya ang isang kongresista na nagkomento tungkol sa kanyang “desire” sa isang aktres, at isang abogado na nagtangkang tanungin ang isang babaeng atleta tungkol sa pagkakaroon ng “Filipino boyfriend,” na ipinagtanggol bilang biro o political banter.

Aniya, “Dalawang mambabatas na mambabastos ito, at tatlo silang nakapag-aral ng batas, pero hindi tumatalab sa kanila ang CEDAW, Magna Carta of Women, Safe Spaces Act, at iba pang batas para sa kababaihan.”

Advertisement

Inihalintulad ni De Lima ang pananahimik ni VP Sara sa mga mahahalagang pambansang isyu tulad ng West Philippine Sea, insidente ng inciting to sedition sa rally sa Davao, at mga krimen na nangyari sa bansa, na nagpapakita ng malaking epekto ng hindi pagsasalita ng isang lider sa publiko.

Binigyang-diin niya na ang pagsawalang-kibo sa mga isyung may kaugnayan sa dignidad ng kababaihan, soberanya ng bansa, at pagpapatupad ng batas ay may malalim na implikasyon sa karakter ng lider at sa pananaw ng publiko sa mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay De Lima, dapat hamunin at singilin ang mga lider kapag mali ang kanilang asal at salita, at hindi dapat pahintulutan ang pagsawalang-kibo bilang anyo ng pakikisangkot sa kamalian.

Advertisement