Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa plenaryo ng Senado nang punahin ni Senador Rodante Marcoleta si Senador Panfilo Lacson sa umano’y kakulangan ng opisyal na ulat ng Blue Ribbon Committee hinggil sa mga anomalya sa flood control projects sa bansa.
Ayon kay Lacson, bawat senador ay nabigyan na ng inisyal na kopya ng ulat na may watermark ng kani-kanilang opisina upang maiwasan ang pag-leak na nangyari noong nakaraang report.
Ngunit iginiit ni Marcoleta na may ilang kakulangan pa rin ang ulat, kabilang ang hindi pagtukoy sa mahahalagang personalidad gaya ni Adrian Bersamin, dating Undersecretary at pinuno ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO). Inakusahan din ni Marcoleta ang ilang senador, kasama si Lacson, na siya ay “pro-China.”
Sa sagot na ito, nag-anunsiyo si Marcoleta na magpatawag siya ng hearing sa March 12 tungkol sa West Philippine Sea at teritoryal na hangganan ng Pilipinas. Inimbitahan niya ang mga ahensya tulad ng NAMRIA, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, at mga prominenteng personalidad gaya ni dating Justice Antonio Carpio.
Ngunit ayon sa Senate Committee on Foreign Relations Chair na si Erwin Tulfo, hindi makakadalo ang mga inimbitahang ahensya at personalidad. Dahil dito, iginiit ni Lacson na pinatutunayan lamang ni Marcoleta ang isang bagay na hindi pa naman nakumpirma.














