NAGA CITY – Patay ang isang biker matapos mabundol ng isang pick-up sa lungsod ng Naga.

Kinilala ang biktima na si Vicente Saavedra, 68-anyos residente ng B169, Beta St., P3, Villa Grande Home Subd., Brgy Concepcion Grande sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt. Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, sinabi nito na habang minamaneho ni Saavedra ang kaniyang bisikleta sa kahabaan ng Maharlika Highway Concepcion Pequeña, sa nasabing lungsod nang bigla nitong kabigin pakaliwa ang kaniyang bisikleta para iwasan ang isang jeep na nakaparada sa nasabing kalsada.

Dahil dito, nabundol ang front tier ng bisikleta ng bikima ng pick up na minamaneh naman ni Manuel Collao, 58-anyos residente ng 3rd St., Ext/Rotonda Villa Sorabella sa nasabing barangay na nasa kaparehas na direksyon.

Sa inisyal na imbetigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan si Saavedra na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, muling nagpaalala ang opisyal sa lahat ng mga motorista na umiwas sa kanilang pagmamaneho gayundin ang pagparada ng mga behikulo sa mga lugar na hindi naman dapat paradahan.