NAGA CITY- Inaasahan ngayon ang paglobo ng bilang ng mga pasahero sa mga pantalan dahil sa ipapatupad na travel restriction simula bukas sa Metro Manila.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Junior Grade Bernardo Pagador Jr., station commander kan Philippine Coast Guard (PCG-CamSur), sinabi nitong inaasahan na nilang doble ang magging bilang ng mga taong bubuhos sa Pasacao Port na pawang mga patungog Masbate.

Ayon kay Pagador, magpapatupad sila ng strict sanitation para sa mga pasahero lalo na ang mga mula sa Metro Manila na uuwi sa mga lalawigan.

Samantala, sakaling mas maraming pasahero pa ang dumating kesa sa inaasahan maglalagay aniya sila ng additional trips upang makauwi ang pasahero sa kani- kanilang destinasyon.