NAGA CITY – Sa kulungan ang bagsak ng Quezon Rank No. 1 Most Wanted Person sa Brgy. Matandang Sabang Silangan, Catanauan, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Jubert Palermo, 32-anyos.

Ang nasabing suspek ang nahaharap sa kasong Murder na walang inirerekomendang pyansa.

Ang naturang kaso ang nag-ugat sa pamamaslang sa isang 16-anyos na babae noong taong 2018.

Sa ngayon nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.