NAGA CITY- Dead on arrival ang isang tricycle driver matapos masagasaan ng pampasaherong bus sa Pagbilao Quezon.

Kinilala ang biktima na si Elmer Nataño Lobusta, 56, residente ng Brgy. Ikirin, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang ang bus na minamaneho ni Ricky ay binabaybay ang National Highway, Sitio Highway, Brgy. Pinagbayanan, sa nasabing bayan mula hilaga hanggang timog (Bicol Bound) at pagdating sa pataas na kurbadang bahagi ng kalsada ng nasabing lugar ay aksidente nitong mabangga ang kasalubong na motorsiklo na may sidecar na minamaneho ng biktima na nasa kaliwa na binabaybay naman ang kabilang direksyon (Manila bound).

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa insidente ay nagtamo ng pinsala ang mga nasabing sasakyan habang si Lobusta naman ay agad na dinala sa ospital dahil sa mga sugat na natamo nito sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ngunit sa kasawiang-palad, idineklara ng dead on arrival ng doktor.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ngayon ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang parusa.