Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang isang tropical depression na papalapit sa Philippine Area of Responsibility o PAR matapos itong mamataan sa layong 1,230 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao.
Ayon sa weather bureau, taglay ng naturang sama ng panahon ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugsong umaabot hanggang 70 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong kanlurang-hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Bagama’t wala pa itong direktang epekto sa bansa, patuloy na sinusubaybayan ng mga awtoridad ang galaw nito dahil posible itong pumasok sa loob ng PAR sa mga susunod na araw.
Kapag tuluyang pumasok sa bansa, maaari itong magdulot ng pag-ulan at masamang panahon sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.














