Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) at Iligan City Police ang dalawang Chinese national na umano’y nagpanggap na mga Pilipino sa loob ng halos dalawang dekada.

Kinilala ang mga suspek na sina Xu BaoGui, 51, na gumagamit ng alyas na “Stanny Co.” at Cai Lizun, 50, na kilala naman bilang “Mia Co.”

Ayon sa imbestigasyon, gumamit umano ang mga ito ng mga Filipino alias upang makaiwas sa pagkakakilanlan habang nagsasagawa ng negosyo sa bansa.

Nabatid din ng mga awtoridad na ang isa sa mga suspek ay nakakuha pa ng late-registered birth certificate at Philippine driver’s license gamit ang pekeng pagkakakilanlan.

Advertisement

Nahuli ang dalawa sa isinagawang operasyon sa Barangay Mahayahay noong Marso 4 sa tulong ng Bureau of Immigration, Philippine National Police, at mga yunit ng Philippine Army.

Kasalukuyan silang dinala sa Camp Sultan Badrodin sa Barangay Maria Cristina para sa dokumentasyon bago tuluyang ipasa sa Bureau of Immigration para sa kaukulang kaso.

Advertisement