NAGA CITY – Arestado ang dalawang suspek matapos ang isinagawang magkahiwalay na buy bust operation sa Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Raymond Rogas Castro, 23-anyos, residente ng Brgy. Isabang, Tayabas City at si Richard Burguillo Sarino, 30-anyos, residente naman ng Greenhills phase 3, Brgy Marketview, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakabili kay Castro ang nagpanggap na posuer buyer ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P4,488.00

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, narekober din sa suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu kung saan nagkakahalaga ito ng P11,832.00 at 1,000 peso bill na ginamit bilang buy bust money.

Samantala, nabatid din na miyembro ng Jun-Jun Andal Drug Group si Sarino.

Kaugnay nito, narekober sa nasabing suspek ang dalawang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga naman ng ₱12,240.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon habang inihahanda na ang kasong isasampa laban