Ipinakita pa rin ni Filipina tennis rising star Alexandra Eala ang kanyang husay at tibay ng loob bago tuluyang matalo kay world No. 2 Elena Rybakina sa Round of 32 ng Italian Open na ginanap sa Rome.

Nagtapos ang laban sa iskor na 6-4, 6-3 pabor kay Rybakina, ngunit nagpakita pa rin si Eala ng matinding paglaban at ilang ulit na naipakita ang kanyang galing laban sa mas mataas na ranggong kalaban.

Sa kabila ng pressure ng second-seeded player, nagawa ni Eala na bigyan ng kaba si Rybakina sa ilang bahagi ng laban bago tuluyang makuha ng Kazakhstani star ang kontrol ng laro.

Sa huli, si Rybakina ang nakapasok sa Round of 16 matapos mapanatili ang consistency sa kanyang service game at baseline control, habang nag-iwan naman si Eala ng impresyon bilang isa sa mga emerging talents sa women’s tennis circuit.

Advertisement
Advertisement