Itinalaga ni Pope Leo XIV ang kauna-unahang babae na mamumuno sa communications office ng Vatican, kasunod ng anunsyo nito noong Biyernes, Nobyembre 6.
Ang napiling opisyal ay si María Montserrat Alvarado, isang Mexican-American na kinilala ng Santo Papa dahil sa kanyang malawak na karanasan, pagiging malikhain at sigasig sa trabaho.
Bago ang pagkakatalaga, nagsilbi si Alvarado bilang pinuno ng EWTN Catholic Television Network, na kinikilalang pinakamalaking Catholic broadcasting network sa buong mundo.
Papalitan niya si Paolo Ruffini bilang bagong lider ng Dicastery for Communication ng Vatican at Holy See.
Inaasahan ng Vatican na makatutulong ang karanasan ni Alvarado sa pagpapatupad ng mas makabago at mas madaling maunawaang paraan ng komunikasyon upang mas maiparating ang mga programa at adhikain ng Simbahang Katolika.
Samantala, inaasahan ding matutugunan niya ang mga matagal nang kinakaharap na isyu ng tanggapan, kabilang ang mga puna hinggil sa pamamahala ng pananalapi, kakulangan sa personnel at mabagal na pagtugon sa mga katanungan ng media.














