Ipinahayag ni Dr. Angel Belleza ang kagalakan ng pamunuan ng Calabanga Community College (CCC) dahil sa maraming estudyante nito na nakapasa sa katatapos lamang na Licensure Examination for Teachers (LET).

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga, sinabi nito na hindi lamang kursong Education ang iniaalok ng paaralan kundi pati BS Entrepreneurship, na isa sa mga kursong may pinakamaraming naka-enroll.Mahigpit ding ipinatutupad ng CCC ang kanilang admission policy, partikular ang requirement na makakuha ng 90% na marka sa Senior High School ang mga aplikanteng nais pumasok sa kursong Teacher Education.

Dagdag pa ni Belleza, dekalidad na edukasyon ang ibinibigay ng paaralan, na hindi lamang mga taga-Calabanga ang nag-aaral kundi pati mga estudyante mula sa iba pang bayan.

Nagpasalamat din siya sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Philip Dumalasa.

Advertisement

Bilang paghahanda sa LET, ipinatutupad ng CCC ang Enhanced Program na tumatagal ng dalawang semestre upang mas maihanda ang mga estudyante sa eksaminasyon.

Advertisement