Pinaghahandaan na ni Alex Eala ang kaniyang laban sa round of 32 ng Miami Open laban kay Magda Linette.
Ang 34-anyos na si Magda Linette ay may pinakamataas na career ranking na No. 19 na kaniyang naabot noong Marso 2023. Sa walong finals ng WTA Tour, tatlo dito ang kaniyang napanalunang titulo. Umabot rin siya sa semifinals ng 2023 Australian Open.
Samantala, nakapasok sa round of 32 si Alex Eala matapos talunin si Laura Siegemund. Bagamat nabigo siya sa unang set, ipinakita ni Eala ang kaniyang agresibong laro sa ikalawa at ikatlong set.
Maituturing na isang rematch ang laban ng dalawa, matapos silang magtagpo noong Enero sa Auckland ASB Open.
Advertisement
Advertisement












