NAGA CITY- Ipinatupad ngayon ang anti-tsismis ordinance sa isang lugar sa bayan ng Goa, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kap. Jose Trillanes ng Brgy. San Jose, sinabi nito na layunin ng naturang ordinansa na mabawasan ang mga kaguluhan na dala ng mga tsismis.
Ayon kay Trillanes, may mga naitala na kasing mga ulat sa kanilang barangay na nagkakasakitan na ang mga residente dahil sa maling mga kwento at akusasyon.
Dagdag pa ng opisyal, ang sinuman na lumabag sa nasabing ordinansa ay mahaharap sa penalidad na P500.00 sa first offense, P700.00 sa 2nd offense habang P1000.00 naman na may kasamang isang araw na community service sa 3rd offense.
Ngunit mayroon naman aniyang pagdadaanan na proseso bago mapatunayan na lumabag ang isang persona.
Samantala, hindi naman sakop ng naturang ordinansa ang mga paninira sa social media.Top