NAGA CITY – Patay ang isang babae matapos magpakamatay sa Barangay Concepcion Plaridel, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Rio Enolpe Bondaug, 43-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ni Allan Estrada Bondaug, ang asawa nito na nakabigti sa kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na agad din sanang dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara rin itong Dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, dalawang suicide notes naman ang nakuha sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.