NAGA CITY – Sa kabila ng nararanasang kaliwa’t kanang problema ng mga barangay official dahil sa coronavirus disease nakaranas narin ng extorsion ang isang barangay kapitan sa lungsod ng Naga.

Una ng nagpalabas ng kanyang pahayag sa kanyang social media account si Barangay kapitan Lorenzo Narvaez ng Barangay Sta. Cruz Naga City, sa umanoy natanggap nitong mensahe mula sa nagpakilalang miyembro ng Concepcion group.

Kung saan ayon dito nakalagay sa mensahe ng nasabing groupo na humingi ito ng P5,000 at pinagbantaan pa ang nasabing kapitan.

Samantala, kinumpirma naman ni kagawad Mike Parro sa Bombo Radyo Naga na hindi lamang ito ang unang beses na nakatanggap ng pananakot at pangingikil ang nasabing kapitan.

Sa ngayon naipaabot na umano ito sa mga otoridad para sa mga karampatang disposisyon.