Naka-alerto ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa posibleng epekto ng pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis sa inflation at kabuuang ekonomiya ng bansa.
Ayon sa Bangko Sentral, patuloy nilang minomonitor ang galaw ng presyo ng petrolyo sa international market upang maagapan ang anumang epekto nito sa presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo sa Pilipinas.
Binanggit ng BSP na ang global oil price shocks ay may direktang epekto sa operational costs ng negosyo, transportasyon, at mga bilihin, kaya’t nakatuon ang bangko sa pagpapanatiling stable ng ekonomiya at proteksyon sa purchasing power ng mga Pilipino.
Dagdag pa ng central bank, handa silang magsagawa ng kaukulang monetary at policy measures kung kinakailangan upang maibsan ang presyur sa inflation at matiyak ang katatagan ng ekonomiya sa gitna ng volatility sa pandaigdigang merkado.
Ang alerto ng BSP ay kasabay ng patuloy na tensyon sa pandaigdigang merkado ng langis na nagdudulot ng pagtaas ng presyo sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas.













