Photo ©web

Inaasahang papalo sa pagitan ng 5.6% hanggang 6.4% ang inflation sa Abril 2026, ayon sa month-ahead forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, at iba pang pangunahing gastusin.

Ayon sa BSP, nananatiling malakas ang mga panganib ng pagtaas ng presyo dahil sa pagmahal ng domestic petroleum products, pati na rin ng mga pangunahing pagkain tulad ng bigas, isda, at karne.

Dagdag pa rito ang pagtaas ng singil sa kuryente at ang paghina ng piso laban sa dolyar, na parehong nakadaragdag sa inflationary pressure sa bansa.

Gayunman, inaasahan ng BSP na maaaring bahagyang maibsan ang pagtaas ng inflation sa pamamagitan ng pagbaba ng presyo ng gulay at prutas, bagama’t nananatili ang tinatawag na “upside risks.”

Advertisement

Tiniyak ng bangko sentral na patuloy nitong babantayan ang mga susunod na datos, lalo na ang inflation at paglago ng ekonomiya, upang makapagbigay ng angkop na polisiya.

Binanggit din ng BSP na kanilang mino-monitor ang mga kaganapan sa Gitnang Silangan, na maaaring makaapekto sa presyo ng langis at sa kabuuang galaw ng ekonomiya ng bansa.

Advertisement