Lumabas sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na ang inflation at korapsyon ang itinuturing ng publiko bilang pinaka-urgent na pambansang suliranin.

Lumabas sa survey na may 1,200 adult respondents na isinagawa mula huling bahagi ng Pebrero hanggang unang bahagi ng Marso, 59% ang nagsabing dapat agarang tugunan ng pambansang gobyerno ang isyu ng inflation. Sinundan ito ng graft and corruption sa gobyerno (47%) at bayad sa mga manggagawa (36%) bilang mga pangunahing alalahanin.

Kasama rin sa iba pang urgent concerns ang pagbawas sa kahirapan, paglikha ng mas maraming trabaho, paglaban sa ilegal na droga (21% bawat isa), at kriminalidad (17%). Sunod dito ang pagtulong sa mga magsasaka (14%), pagpapatupad ng rule of law (11%), involuntary hunger (10%), proteksyon sa kalikasan (9%), at pagpapalaganap ng kapayapaan (9%).

Ayon sa Pulse Asia, nakakuha lamang ng majority approval ang administrasyon sa pagtutok sa kapakanan ng OFWs (53%). Samantala, marami ang kritikal sa mga hakbang ng gobyerno sa pagbawas ng kahirapan (53%), paglaban sa korapsyon (67%), pagharap sa ilegal na droga (68%), at kontrol sa inflation (73%).

Advertisement

Bunsod ito ng kasagsagan ng infrastructure corruption scandal at pagtaas ng presyo ng langis sanhi ng digmaan ng US at Israel laban sa Iran.

Advertisement