NAGA CITY – Naaagnas na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Brgy. Sta. Justina, Buhi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jerry Nonato Guevara, 51-anyos, residente ng naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na simula pa noong Pebrero 26, 2022, pinaghahanap na ng mga otoridad si Jerry matapos umanong lumayas sa kanilang bahay.

Ayon naman sa pahayag ng kapatid nito na si Robert Nonato Guevara, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan si Jerry at ang isa pa nitong kapatid bago umalis sa kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na may problema sa pag iisip ang biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.