NAGA CITY- Patay ang isang 19-anyos na lalaki matapos itong mabanggaan at umilalim sa isang pampasaherong jeep sa Brgy San Isidro, Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jinsen Antonio, 19-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl Michael Angelo Jacar, imbestigador ng nasabing incidente, sinabi nito na papasok sana sa trabaho ang biktima sakay ng mountain bike nito ng bigla na lamang itong mabanga ng isang pampasaherong jeep.

Ayon dito, bigla na lamang umanong nag overtake ang nasabing jeep na minamaneho ni Fidel San Juan , 25-anyos sa biktima resulta para mabanga ito at umilalim sa pampasaherong jeep, Kung saan nag tamo ng tama sa ulo ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit deneklara itong dead on arrival ng mga doctor.

Sa ngayon hinihintay na lamang umano ng mga otoridad ang medical certificate ng biktima , habang plano nama umanong mag sampa ng kaso ang pamilya ng nasabing biktima laban sa suspect.