NAGA CITY – DEAD-ON-THE SPOT ang isang motorcycle driver matapos makasalpukan ang isang truck sa Brgy Tumbaga 1, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang binawian ng buhay na isang 30-35-anyos na lalaki, na nakasuot ng puting damit at shorts na tinatayang nasa 5’5 ang tangkad nito.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ng biktima ang Western direction ng kalsada kung saan pagdating sa intersection nang makabangga nito ang isang truck na minamaneho naman ni Rolando Tuazon Gatucao, 37-anyos, residente ng number 78 Narra Ave Pangarap Vill Caloocan City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa pangyayari, nagtamo ng head injury ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Agad namang humingi ng tulong si Gatucao sa mga awtoridad na siya ring kusang pumunta sa Sariaya Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.