NAGA CITY- Patay na nang makita ang katawan ng isang lalaki matapos na magpalutang-lutang sa Taguan River sa Sitio Paitan, Brgy. Tagbakin, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Crisanto Espina, 52-anyos, residente ng Sitio Kapuklo, Brgy. Buenavista West, Candelaria, sa nasabing probinsya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na ayon sa nakakita sa insidente na si Marissa Collarin Aquino, nakita nito ang biktima na tumatawid sa nasabing ilog.

Ayon sa nagin salaysay ni Aquino aksidenteng nadulas at nahulog umano sa malalim na bahagi ng ilog si Espina kung kaya agad umano itong humingi ng saklolo subalit nakita na lamang ang katawan ng biktima na palutang-lutang na sa nasabing ilog at wala nang buhay.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nasabing insidente.