Photo© web

NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos tagain sa leeg sa Sagñay, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Alyas Enerson, residente ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga, PCPT. Liza Jane Alteza, tagapagsalita ng CSPPO, sinabi nito na nakipag-away ang suspek na kinilalang si Alyas Ryan sa kanyang ama, kung kaya’t inawat ito ng biktima, ngunit sa halip na matigil, ay pinagbuntungan ng suspek si Enerson.

Dahil dito, tinaga ng suspek ang biktima sa leeg na agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan habang tumakas naman ang suspek matapos gawin ang krimen.

Advertisement

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Pinaalalahanan naman ng opisyal ang publiko na kung may mapansin silang ganitong insidente at walang kakayahang ipagtanggol ang biktima, huwag lumapit at tumawag sa mga awtoridad o barangay tanod para tumugon sa mga naturang insidente.

Advertisement