NAGA CITY – Nagpatupad ngayon ang lungsod ng Naga ng Lend-A-Bike Project para sa mga health workers.

Ang naturang proyekto ang layuning matulungan ang mga frontliners lalo na ngayong naparalisa ang transportasyon dahil sa enhanced community quarantine.

Una nakatanggap ang pitong health workers mula sa Bicol Medical Center (BMC) ng naturang mga bike.

Magagamit ng nasabing mga health workers ang bike bilang service patungong ospital at pauwi sa kanilang mga bahay.

Samantala, maliban dito, may mga libreng sakay din para sa mga health workers na may koordinasyon sa mga ospital.