NAGA CITY- Sugatan ang isang menor de edad matapos na mabundol ng isang motorsiklo sa Brgy. Sta Rosa, Mulanay, Quezon.

Kinilala ang biktima na isang 9-anyos na lalaki, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na imposrmasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang minamaneho ng isang Regino Clete, 33- anyos, habang angkas ang anak na si Reniel Clete at asawang si Melisa Clete ang isang motorsiklo nang aksidenteng mabundol nito ang biktima habang tumatawid sa kalsada.

Dahil sa insidente nagtamo ng sugat ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng motorsiklo para sa kaukulang parusa.