NAGA CITY- Umabot sa halos P1.3M ang halaga ng pinaniniwalaang shabu na narekober sa isang drug operation sa Zone 1 Obrero St. Tabuco, Naga City kagabi.

Kasabay nito, nahuli ang suspek na si Vincent Briones, 30-anyos na pang-walo sa priority target list sa Naga City.

Nakumpiska sa suspek ang humigit kumulang sa 200 grams na pinaniniwalaang shabu na nasa P1,300,000 ang halaga.

Nabatid na ang nasabing suspect ang una nang naaretso sa kaparehong iligal na gawain noong Abril, 2019.

Samantala, sa panayam kay Kapitan Elisa Carmona ng Barangay Tabuco, inamin aniya ng suspek na kinukuha niya ang suplay sa karatig barangay ng Triangulo.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa naturang salarin.