NAGA CITY – Hindi pa umano maituturing bilang pagpapatiwakal ng mga awtoridad ang insidente hinggil sa isang School Administrator na natagpuan na lamang na wala nang buhay habang may tama ng bala ng baril sa lungsod ng Naga.

Sa naing pagharap sa mga kagawad ng media ng mga opisyal ng Naga City Police Office (NCPO), ibinahagi ng mga ito na sa kasalukuyan ay alleged suicide pa lamang ang kanilang tinitingnang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Ayon pa sa mga awtoridad hinihintay pa ng kanilang himpilan ang ulat mula sa Provincial Forensic Unit sa kung ano talaga ang nangyari.

Batay naman sa unang ipinalabas na imbestigasyon ng mga awtoridad napag-alaman na sinira umano ng biktima ang locker ng gwardiya at kinuha ang baril na nakita rin sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin an isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.