Nasa kamay na ng mga awtoridad si Pastor Apollo Quiboloy, ito ay ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos.
Maalala, una ng sinabi ni Abalos na nananatili pa sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.
Si Quiboloy at iba pa ay mayroong patung-patong na kasong pagbalga sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act at qualified human trafficking.
Umabot na rin ng halos dalawang linggo ang paghahanap sa sa pastor sa KOJC compund upang isilbi ang inilabas na warrant of arrest ng Pasig City RTC.
Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang mga hakbang patungkol sa pagkakaaresto kay Quiboloy.