Hinikayat ni Pope Leo si US President Donald Trump na wakasan na ang giyera sa Iran. Ayon sa Santo Papa, inuulit niya lamang ang kagustuhan ni Trump na tapusin na ang labanan at umaasa siyang naghahanap ang pangulo ng paraan para mabawasan ang karahasan.
Giit ni Pope Leo, marapat na maghanap si Trump ng tamang hakbang upang mabilis na matapos ang giyera.
Magugunitang ilang ulit nang ipinanawagan ng Santo Papa sa kaniyang mga misa na dapat nang wakasan ang giyera sa Gitnang Silangan.
Advertisement














