NAGA CITY- Napabayaan na kandila ang tinitingnang dahilan ng naitalang sunog kagabi, Hunyo 23, 2022 sa Zone 5, Pagdaicon puro, Barangay Mabolo, Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO1 Don Pomposo Jr., Investigator on Case ng Bureau of Fire Protection (BFP)- Naga, sinabi nito na natupok ng apoy ang bahay ni Junie Contante, 50-anyos, kung saan nadamay pa umano ang bahay ng kapatid nito.
Dagdag pa ng opisyal, naghahanda na sana sa pagtulog ang pamilya ng biktima kan makita na lamang nito na may lumiyab na lamang na apoy.
Ayon pa kay Pomposo, malaki na ang apoy nang abutan ng mga rumesponding mga tauhan ng BFP.
Samantala, nabatid pa na tatlong fire truck ng BFP at isang fire truck ng fire volunteer annagtulong-tulong upang maapula ang sunog.
Sa ngayon, tinatayang hindi naman tataas sa P10,000 ang kabuuang pinsalang iniwan ng sunog sa naturang lungsod.