Photo © web

Nanawagan ang iba’t ibang world leaders sa Estados Unidos at Iran na ipagpatuloy ang kanilang negosasyon matapos mabigong makamit ang kasunduan sa usapang pangkapayapaan sa Islamabad nitong Linggo.

Ayon kay Pakistani Foreign Minister Ishaq Dar, mahalagang manatiling nakatuon ang magkabilang panig sa ceasefire at ipagpatuloy ang dayalogo upang maiwasan ang mas malawak na krisis sa Gitnang Silangan.

“It is imperative that the parties continue to uphold their commitment to cease fire,” ani Dar, at idinagdag na patuloy na gaganap ang Pakistan bilang tagapamagitan sa pag-uusap ng dalawang bansa.

Nanawagan din ang European Union na ang diplomasya pa rin ang pangunahing solusyon sa lumalalang tensyon, at pinuri ang Pakistan sa ginampanang papel nito bilang mediator.

Advertisement

Samantala, inihayag ni Russian President Vladimir Putin ang kahandaan ng Russia na tumulong sa pagpapatuloy ng proseso ng kapayapaan sa rehiyon.

Ayon naman sa United Kingdom, nakakalungkot ang kabiguan ng negotiations ngunit mahalagang ipagpatuloy pa rin ang pag-uusap upang maiwasan ang karagdagang destabilization.

Ganito rin ang naging paninindigan ng Australia, na nagsabing dapat manatili ang ceasefire at bumalik sa mesa ng negosasyon ang Estados Unidos at Iran.

Sa kabila ng pagkabigo ng usapan, nananatiling bukas ang maraming bansa sa pagpapatuloy ng diplomasya upang maiwasan ang mas malawak na krisis sa Gitnang Silangan.

Advertisement