NAGA CITY- Patay ang dalawa katao matapos na matabunan ng lupa sa Purok 1, Barangay Casalugan, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Danilo Castilar, 40-anyos at Dante Cereno, 33-anyos kapwa residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na sinusubukan ng mga biktima na maghanap ng ginto sa isang five-meter deep tunnel ng bigla na lamang itong gumuho kung saan na-trapped ang mga biktima.

Agad namang dinala ang mga biktima sa ospital ngunit idineklara na ang mga itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon kan mga otoridad dapit sa nasambitan ng insidente.