NAGA CITY- Patuloy pa rin ang search and rescue operations ng mga otoridad sa isang 20-anyos na lalaki na pinaniniwalaang nalunod sa isang
Beach Resort, Brgy. Bagumbayan Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Clint Valenzuela, residente ng Brgy. Kalamunding, Labo sa nasabing probinsya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office CNPPO, sinasabing naglalakad lamang umano ang
biktima sa baybayin ng nasabing resort ng biglang dumating ang malakas na alon at dinala ang biktima sa malalim na porsyon ng dagat.

Kaugnay nito, agad na nawala ang biktima na pinaniniwalaang nalunod dahil sa lakas ng nasabing alon.

Sa ngayon, nagtutulungan na ang Philippine Coast Guard PCG maging ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office MDRRMO sa
pagkakatunton sa katawan ng biktima.