Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi na higit pang palawakin ang pagtutulungan ng Pilipinas at Japan sa iba’t ibang sektor kasunod ng kanilang bilateral meeting sa Maynila.

Kabilang sa mga pangunahing napag-usapan ng dalawang lider ang mga isyung panrehiyon at ang pagpapalakas ng bilateral relations, partikular sa seguridad, enerhiya, at ekonomiya.

Binigyang-diin ni Takaichi ang hangarin ng Japan na patibayin pa ang ugnayan ng dalawang bansa bilang Comprehensive Strategic Partners at palawakin ang kanilang kooperasyon upang maisulong ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Nakiisa rin ang Japanese Prime Minister sa ASEAN Gala Dinner na pinangunahan ni Pangulong Marcos, na dinaluhan din ng iba pang mga lider at kinatawan ng mga pandaigdigang organisasyon.

Advertisement
Advertisement