NAGA CITY- Naaagnas na ng matagpuan ang katawan ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Brgy. Ibabang Nangka, Tayabas City.

Nakasuot ang biktima ng itim na tshirt, asul na shorts at tinatayang nag eedad na 40 hanggang 50-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial office, napag alaman na isang Mike Mismanos ang nakakita sa katawan ng biktima sa tabing ilog.

Kung kaya agad naman itong humingi ng tulong sa mga kinauukulan.

Samantala, napag-alaman na nasa estate of decomposition na ang katawan ng biktima ng matagpuan ito.

nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.