NAGA CITY- Pasok sa Top 50 Global Teacher Prize Award ang isang bicolanong guro mula sa Camarines Sur.

Kinilala itong si Wendell Alvarez mula sa Caramoan Camarines Sur na isang guro sa Alternative Learning System.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Regional Director Dr. Gilbert Sadsad ng DEPED-Bicol sinabi nito na sa halos 1,200 na mga guro sa buong mundo ay pangatlo si Alvarez sa mga kwalipikado sa naturang award na mula sa Pilipinas.

Aniya, ang naturang aktibidad ay sponsored ng isang International Foundation at tinatayang aabot sa $1M ang halaga na matatangap ng mananalo sa naturang award.

Sa ngayon nagsisimula na umano ang naturang foundation sa pagpili para sa Top 10.

Samantala, umaasa naman si Sadsad na isa si Alvarez sa mapipili upang makapasok sa Top 10 at makakuha ng award.