Woman riding bicycle dies after being sideswiped by bus in Nabua, CamSur

NAGA CITY – Patay ang isang babaeng estudyante matapos mahagip ng pampasaherong bus sa Nabua, Camarines Sur noong Huwebes, Abril 10, 2025.

Kinilala ang biktima na si Lorna Fe, 19 taong gulang, at residente ng San Miguel Zone 3, sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCPT. Liza Jane Alteza, tagapagsalita ng CSPPO, sinabi nito na habang binabagtas ng pampasaherong bus ang Maharlika Highway patungong Pasay Manila na minamaneho ni alyas Roberto, 32-anyos at residente rin ng Zone 5, San Isidro, Iriga City, ay aksidente nitong nahagip ang biktima na sakay ng kanyang bisikleta.

Ayon sa kanilang imbestigasyon, bumili lang ng pansit ang biktima at pagpasok nito sa Maharlika Highway dito na ito nahagip ng naturang bus.

Advertisement

Dahil dito, tumilapon ang biktima sa gilid ng kalsada at sinubukan pang bumangon.

Agad naman itong dinala sa ospital ngunit sa kasamaang palad, tuluyan ring binawian ng buhay matapos Ang ilang oras na gamutan.

Samantala, arestado rin ang driver ng bus at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Advertisement