NAGA CITY- Naitala ang kabuuang 123,652 na rehistradong botante sa lungsod ng Naga.

Ayon kay Atty. Maico Julia Jr, Election Officer ng COMELEC Naga, na mula ng magsimula ang registration period sa nakalipas na buwang ng Pebrero hanggang Setyembre, mayroong 15,364 mga bagong voting registrants habang sa huling araw naman ng registration, dumagdag ang nasa 499 na nagparehistro.

Maalaala, pinilahan ang Commission on Election Naga ng mga humabol sa huling araw ng voters’ registration, taliwas sa una nang pagtataya ng komisyon na hindi na ito dadagsain dahil nagsagawa na ng mga satellite registration sa mga Barangay sa lungsod.