Arestado ang dalawang lalaki, kabilang ang kapatid ng isang kapitan sa Naga City, sa isang buy-bust operation kung saan nasamsam ang humigit-kumulang 25 gramo ng shabu at isang baril.
Isinagawa ang operasyon bandang 6:24 ng gabi noong Abril 1 sa Zone 5, Brgy. Balatas, Naga City. Kinilala ang mga suspek na sina Jay at Archie, na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearm.
Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang ₱170,000 halaga ng shabu, isang .38 caliber revolver, at dalawang bala. Ang insidente ay bahagi ng tuloy-tuloy na kampanya laban sa iligal na droga sa lungsod.
Advertisement














