NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang isang magsasaka sa bayan ng Brgy Salvacion, Tinambac, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Asaula Jr., 53-anyos residente ng naturang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj Dominic Borigas, Acting Chief of Police kan Tinambac Municipal Police Station, sinabi nito na mismong ang pamangkin ng biktima ang nakakita sa katawan ni Asaula tabi ng ilog na wala ng buhay.

Ayon kay Borigas, huling nakita ang naturang biktima nang nakaraan pang araw na kumukuha pa ng mga kawayan dahil mayroon itong inaayos sa kanilang bahay.

Una dito, nakakaranas din aniya ng madalas na pagsakit ng dibdib si Asaula kung kaya pinaniniwalaang atake sa puso ang ikinamatay nito.

Sa ngayon, wala naman aniyang nakikitang foul play ang mga otoridad sa insidente dahil hindi naman ito nakitaan ng mga sugat o anuman na senyales ng panlalaban.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.