NAGA CITY- Tinatayang aabot sa P340,000 halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasakote ng mga awtoridad sa isang drug suspect sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Del Rosario, Naga City.

Kinilala ang suspek na si Cesar Novelo, 45-anyos, residente kan Zone 1, Urban Poor ng nasabing barangay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), nabatid na nakabili ang nagpanggap na poseur buyer sa suspek ng dalawang pakete ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 50 gramo kapalit ang P1000 na boodle money.

Ito na rin ang naging hudyat ng mga awtoridad para arestuhin nito si Novelo.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampantang disposisyon.