NAGA CITY- Patuloy ang isinasagawang follow up investigation ng Naga City Police Office patungkol sa Clidoro Case.

Matatandaan, patay at naaagnas na ng matagpuan ang katawan ng biktima na kinilalang si Jayson Clidoro sa ilalim ng tulay ng Bicol Natural Park, Barangay Tuaca, Basud, Camarines Norte.

Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni PCol.Erwin Rebellon NCPO City Director, sinabi nito na sa ngayon mayroon na silang lead at nasa proseso ng pag validate sa sasakyan na ginamit maging ang pagkuha sa salaysay o statement ng mga witnessess.

Ayon pa kay Rebellon, mayroon na ring Persons of Interest sa kaso.

Kaugnay nito, batay naman sa paunang imbestigasyon, lumalabas na mayroong pera na sangkot sa krimen.

Sa kasalukuyan, tumutulong na ang DOJ sa imbestigasyon kung kaya umaasa ang mga kapulisan na mareresolbahan ang nasabing kaso.

Sa ngayon, tiniyak na lamang ng opisyal na ginagawa nito ang lahat upang ma-satisfy ang mga pamilya ng biktima at malinawan ang mga ito sa totoong nangyari.