Inamin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na walang kakayahan ang Pilipinas na magpadala ng warships upang mag-escort ng oil tankers sa Strait of Hormuz sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East.

Ginawa ni Teodoro ang pahayag kasunod ng panawagan ni US President Donald Trump sa mga kaalyadong bansa na tumulong sa pag-secure ng nasabing karagatan.

Ayon sa kalihim, limitado ang kakayahan ng bansa pagdating sa ganitong uri ng operasyon, kaya’t hindi posible ang deployment ng mga barkong pandigma.

Binigyang-diin din niya ang panganib na maaaring kaharapin ng mga Pilipinong seafarers at OFWs sakaling lumala pa ang sigalot sa rehiyon.

Advertisement

Dagdag pa niya, dapat maiwasan ang anumang hakbang na magpapalala ng tensyon at sa halip ay magtulungan ang mga bansa upang maresolba agad ang krisis sa Middle East.

Advertisement